Tuesday

Unexpected Love. : chapter 8

CHAPTER 8

Astin.

Bakit parang ang bigat ng katawan ko. Ang hirap kumilos, dinilat ko naman yung mga mata ko. Si... Si...
H'wag ka na munang kumilos, nilalagnat ka, mukhang magkakatrangkaso ka pa nga ata.
Anong oras na ba?
Eight o'clock. Eight o'clock na ng gabi? Pero bakit nandito pa siya!? 
Huh? Bakit nandito ka pa?
Sabi kasi ng mama mo, bantayan muna daw kita. Si mama? O_o kailan pa ko pinagkatiwala nun sa iba? Nasaan si kuya? 
Nasan ba sila? Si kuya?
Yung parents mo, umalis sandali para bumili ng gamot mo, yung kuya mo naman, may kelangan daw tapusing group project sa bahay ng classmate niya kaya baka magovernight na din sila dun. Grabe namaaan! Ba't ngayon pa! 
Salamat Ken huh.
Wala yun.(Pabulong) Basta ikaw. Yup! Pabulong yung sinabi niya. Pero narinig ko. Ayoko lang manigurado. Baka magmukha akong feeler eh.
Ano yun Ken?
Wala. H'wag mo nalang muna kong pansinin ngayon. Magpahinga ka na lang.
See? Ang feeler ko talaga! Matutulog na nga lang muna ko, tutal, may tiwala naman ako sa bantay ko ngayon. Alalay?! Hindi naman. Nagmamalasakit lang siguro 'tong taong 'to.


Kenneth.

Mas lalo pa siyang nagmukang maamo kapag natutulog. Kung pwede lang ako matulog sa tabi niya para lang mabantayan at matitigan ko siya, 'di ko talaga palalampasin yung chance na yun.

HALA! Ano ba 'tong pinagsasasabi ko? May gusto na ba ko sa kanya? ANO ULIT!?! Hay.. Ewan.. Babantayan ko na nga lang siya.. Itetext ko nalang si mommy.

To: Mommy.
Ma. Sorry po pro sobrng late na po aqng mkkauwi. H'wag nyo na pong tnungin kung bkit, bsta po, safe ako dto. loveyou ma.

SEND!!!

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Astin.

Mas maayos na yung pakiramdam ko ngayon. Teka! Si.. Si.. Si Ken, dito natulog?!
Ken... Ken...
Buti naman at nagising ko agad siya.
Hindi ka ba umuwi sa inyo?
Hindi na eh. Hala! Loko 'tong Kenneth na 'to.
Bakit? Baka nagaalala na sila sa'yo. Ikaw talaga oh.
Hindi. Nagpaalam ako. Tsaka binilin ka sa akin ng mama at papa mo. Sabi nila, bantayan daw kita kasi baka lalo pang lumala yang sakit mo. Hanggang ngayon? Teka! Akala ko ba, bumili lang sila ng gamot? Bakit hanggang ngayon nandito pa rin sya? ANG GULO NAMAN!
Ganun ba? Salamat ulet huh.
Ayos lang yun. Ano? Ayos ka na ba?
Oo... Maayos na 'ko. Kumain ka na ba?
'Di ba ikaw ang gumising sa'kin? Bakit kaya tinatanong pa 'ko. Aba! Nambara bigla!?
Ganun? Binabara mo 'ko?
Pwede rin. Haaaays! Nakakaasar talaga 'tong lalaking 'toooo!
Ganun? Umalis ka na nga. Thank you so much sa pagaalaga. Seryoso ako! Umalis na siya't naaasar ako sa kanya!
Ito naman. Joke lang noh. Hindi pa 'ko kumakain. Tara, kain muna tayo sa baba, ang sabi nga pala ng maid niyo eh nagluto na daw siya ng almusal para sa'ting dalawa.
Aba't dito pa ata makikikain ang lalaking 'to. Pero sige na nga. Siya naman ang nagalaga sakin buong magdamag eh.
Sige. Tara! Baba na tayo.
Pagtayo ko sa kama, nawalan ako ng balanse.

*BBBOOOGGSSSHH* (isipin niyo na lang yung tunog kapag bumagsak!)

Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko, konting galaw lang, magtatouch na yung lips niya sa lips ko. Hindi ko maiwasang titigan siya. Halos makabisado ko na nga yung itsura ng mata niya, yung labi niya, yung ilong niya, lahat'lahat sa mukha niya...

Biglang...










H
E


K
I
S
S
E
D


M
E

:*

No comments:

Post a Comment