Sunday

Unexpected Love. : chapter 15

 CHAPTER 15
Astin.

Oy Bes! Hindi ka ba nahihirapan sa sitwasyon mo?  Biglang tanong ni Sharmaine. Naglalakad na kami pauwi. Last day na ngayon para sa first sem. Ang bilis talaga ng araw.
Ha? Anong sitwasyon? Bakit naman ako mahihirapan? Obviously, napaisip ako kung anong mga sitwasyon ang sinasabi niya.
Wag ka ngang magtatanga-tangahan diyan! Aba! Sige na! Ako na tanga!
Eh ano nga kasiiii... para matapos na!
Yung sitwasyon mo, or should I say, sitwasyon niyo ni Ken?! Yun naman palaaa...
Ang totoo, nahihirapan din ako. Pero, mas okay naman na 'to e, kaysa mapasama na naman ako sa gulo. Hindi na kasi naging maganda ang image ko sa States dahil sa ganyang issue kaya napilitan din si daddy na dito ako pag-aralin. Ang totoo kasi, madalas talaga akong mapasok sa mga gulo before because of the same reason. Lagi na lang akong napagkakamalang whore, b*tch, etc. Kaya nag-stop ako ng one year para mabago DAW pero, hindi naman talaga ako ang may problema.

Oh siya! Dito na 'ko. Ingat sa pag-uwi! Sa sobrang kakaisip sa mga nangyari sa States noon. Di ko namalayang nandito na pala kami sa tapat ng bahay.
Papauwiin mo na 'ko agad? Di mo man lang ba ko papakainin? Ayos din talaga 'tong best friend ko!
Eeeeh! Next time na! Pagod na 'ko eh! Sumimangot naman ang bruha! HA-HA-HA. Sorry bes, kailangan kong mag-isip-isip.
Ge. Ganyan ka naman eh! Next time ha! Nag-smile na lang ako, then I hug her.
Thanks for understanding bes. Don't worry, I'll treat you next time. Enjoy your break! Tas, nagbbye na din siya agad. Then, she walked away.

Pagpasok ko sa loob ng bahay. Sakto namang bumaba sila mama at may dalang mga bag. Parang?
Ma! Ba't para kayong mag-a-out of town? mukha naman silang biglang naistorbo sa pagpprepare sa pag-alis.
Hindi parang anak. Aalis nga talaga kami ng dad mo. We have to go back to States to fix some business problems. Haaaa? So meaning, ako lang ang mag-isa dito sa bahay? The hell. Ako na naman ang maglilinis nito. Err. Bigla namang natawa si mama.
Ano ba 'nak! Kahit kailan talaga hindi ka marunong magtago ng mga iniisip mo. Kahit di mo sabihin. Basang-basa sa mukha mo eh. What? Nalaman nila iniisip ko? 
Don't worry. May nacontact na kaming caretaker ng bahay na 'to. Everyday, 9am, pupunta siya dito to clean this house. You don't have to worry. Isa pa, marunong ka rin namang magluto so, kahit di siya makapagluto, you can. Sabi naman ni Dad. Yearight! Sila na mind reader! HA-HA. 
Well mom, business is business. Di ko naman kayo pwedeng pigilan tsaka I just want to stay here, sleeping. Honestly, that's all I want to do for the whole sembreak. napasa ko naman na agad yung mga requirements so wala na kong iintindihin pa.
Sige anak. We have to go. Anong oras na rin oh. Buti na lang at nakauwi ka nang maaga at nakapagpaalam kami sa'yo nang personal. Sabay yakap naman ni mama.
Always double check the door pag umalis na yung caretaker ha. Mahirap na kasi sa panahon ngayon, iba na ang nag-iingat and you know it. Right? Tumango naman ako. Tas, niyakap niya na rin ako.

After the moment of silence...
Ingat po kayo ma! I love you both! Then, umalis na sila. Facing the reality, AKO LANG MAG-ISA SA BAHAY! YEHEY! Solo ko mundo ko ngayong break!

Agad naman na kong pumunta sa room ko, then, nagpalit ng damit para makapagprepare na ng dinner for myself.
Pagbaba ko sa kitchen. Bigla namang...

**DINGDONG**

Sino naman kaya ang bibisita sakin ng ganitong oras? Napatingin naman ako sa wall clock namin at 7pm na. Soo, nung malapit na ko sa gate, may napansin akong familiar na mukha. 

KEN? O.o
Yup. It's me. Wala naman ng iba eh. Ano naman ngayon?
Sooo? Why are you here? Ang taray ko ba? Sorry ha.
Hmmmm. Pwedeng papasukin mo muna ko sa bahay mo? Anlamig kaya dito oh! Kanina pa ko nandito eh. Aba! Kung ayaw ko, papalag ka? Thehell!
Sorry ha! Hindi ako nagpapapasok ng kung sinu-sino eh. Delikado! Ako lang mag-isa. Tsaka, kung kanina ka pa dyan? Bakit hindi ko man lang nakita ang sasakyan mo nor yourself. Eh kakapasok ko pa lang naman after waving goodbye to my parents.
I know. I'm just watching from afar.
Stalker ka? Ganun?
A big NO! Humahanap lang ako ng tyempo para kumatok. Okay! Okay! Whatever you say! Pasalamat ka't pinabalik nila mama ang pagiging mabait ko! Isa pa.... Nilalamig na ko dahil sa suot kong shirt&shorts.
Whatever! Tara! Pumasok kana!

Pagpasok namin sa loob. *syempre! Alangan namang sa labas kayo pumasok diba?* Sabi ko nga! Ms.Author naman eh!

Oh! I brought this. Sabay abot sa'kin nung paper bag.
Ano naman yan? Suhol? Sama ko talaga no? Haha.
Bakit kaya di mo muna tingnan? Hays. So, I look at it. Masunurin ako eh.
Oh, nakita ko na. Anong gagawin ko dito? Isang obvious na tanong para sa isang obvious na sagot. ^_^
Try mong itago sa cabinet mo. Pwede rin.
Ahganun? Sige. Hintayin mo 'ko ha. Ipapanik ko lang to sa cabinet ko, tas ihahatid na kita palabas ng gate. K? Tas, papanik na dapat, suddenly, he held my hand. Ako naman?! DUH. Edi nabigla! Kaya tinanggal ko yung pagkakahwak nya.
Sorry, Tin. Joke lang naman eh. Tara na kasi! Kainin na natin yang binili ko.
Oo na. Mga sagot mo kasi eh! 

Habang kumakain... Nakakabingi! Nakakabinging katahimikan! Almost 5mins na ata kaming ganitong katahimik! Err. Should I break the silence or not?

Astin. Finally! He did.
Oh? Ang tipid ng sinabi nya eh, kaya tipid lang din sagot ko.
Di pa rin ba tayo pwedeng magpansinan? I mean, let's bring back the old times. Napaisip naman ako dun! Parang angtagal na naming magkakilala ah!
Wow ha! Gano na ba tayo katagal magkakilala para ganyan sabihin mo. HA-HA-HA. It means, fake laugh.
Ewan. Pero parang sobrang tagal na kasi eh. Kaya, nakakamiss din pala yang pagiging taratitat mo! 
What a word! Hahahaha! Taratitat? Ano yun? Honestly, natawa talaga ako! Unfamiliar yung word eh! Tas ang cute pa ng pagkakapronounce nya!
Ibig kong sabihin, yung pagiging bungangera mo! Yung pagiging maingay mo! Nakakabingi pero cool. What? Cool pa ko nun ah! Well. Haha!
Cool pa? Eh di ba nga, asar na asar ka sakin nun? 
Oo nga. Pero nung di mo na ko pinapansin? Naisip kong wala nang babaeng nanggaganun sakin, lahat kasi sila, iyak ang naririnig ko eh.
Edi ikaw na feeling gwapo! Iniiyakan ka pala eh! Kapal muks neto! Sarap ibato ng hawak kong spoon&fork eh.
Seryoso ako Tin! Wag kang tumawa dyan! Sorry ha! Natatawa talaga ako sa kakapalan ng mukha nya eh!
Okay! Okay! Okay! Di mo nalang kasi sabihing namimiss mo na talaga ako eh! Tawa ulit ako. =))
Edi ikaw ang mas makapal dyan! Sino namang nagsabing namimiss kita no!?
IKAW!
Ako nga! Oops. Napaamin ko siya! Wahahaha! Ako na ang magaling magpaamin! Wahaha!
See? Natahimik ka dyan! It means totoo! Namimiss mo na ko!

Wednesday

Unexpected Love. : chapter 14

 CHAPTER 14
Astin.

One month na rin nakalipas after nung issue na yun. Marami na ring nagbago... tulad nalang ng parati na naming kasama si Ferdz at Josh, okay na rin ang image ko sa mga tao dito sa school, except sa mga kagrupo ni Bridgette. Yung mga babae namang akala mong mangangain ng buhay, hindi na ganung makatingin kasi, sa loob ng isang buwan na yun, di ko na nakakasama si Ken. SEE? Tama yung decision ko diba?

*KRRRRINNNG*

Bes! Di ka pa ba maglalunch? Di ko na namalayang break na pala. Masama talaga akong napapareflect eh. Kung anu-ano mga iniisip ko.
Maglalunch. Tara na! Bumaba na kami sa cafeteria. Pagpunta namin dun. Napansin ko agad ang mga tingin ni Bridgette. Kailan ba magbabago yan? Ang sarap dukutin ng mata niya eh. Di ko nalang pinatulan, tuluy-tuloy nalang ako sa pagpanik namin dun sa pwesto namin.
Hi Astin and Friends! Sabay tawa naman nitong si Ferdz. Ayos na salubong diba? Lagi siyang ganyan kada pupunta na kami dito. Ang pangit pa naman pakinggan. Parang Barney and Friends lang eh.
Kailan mo ba babaguhin yung welcome message mo samin? Nakakairita na kaya! Ngumiti lang si Ferdz.
Hindi ko alam! Gusto ko kasi, winewelcome kayong lahat. Eh ang dami niyo! Ang haba'haba pa ng sasabihin ko. Listen! Hi Astin, Sharmaine, Michelle and Josh! Oh di ba? Nakakapagod! Sabay tawa naman! Grabe talaga mga rason! No wonder! Magbestfriend nga pala sila ni Ken. Speaking of Ken! Bakit hindi niya kasama ngayon yun? Ayoko na nga lang tanungin, baka kung ano pang isipin nila.
Ah Ferdz. Excuse lang muna ha, bibili lang muna kami ng pagkain sa baba. Paalam ni Michelle.
Sige. Hintayin ko nalang kayo. Ngumiti nalang kami. Pagkalapag ng gamit nmin. Bumaba na kami.

Ayan nanaman yang mga matang mukhang mangangain.
Bakit kaya umalis na naman agad si Ken? Umalis si Ken kanina?
Oo nga eh! Balik na naman siya sa dati.. Papasok kung kailan gusto, aalis kung kailan maisipan. Iba talaga pag maraming kapit sa school.

Tama kayo! Hays. Pero kanina, ang paalam niya lang sa teacher niya, may sasagutin siyang importanteng tawag eh.
*FLASHBACK*
Yes Ken? Nakuha niya na naman ang atensyon ng lahat nang magtaas siya ng kamay.
Excuse me ma'am, may sasagutin lang pong importanteng tawag.
Sige. Tumango na lang yung teacher as a sign of approval.
*END OF FLASHBACK*

Baka naman pinatawag siya ng parents niya at may pinaasikaso ulit. Habang nasa pila.

Malapit na sembreak ah. Anong plano niyo? Oo nga no! Ang bilis tlaga ng mga pangyayari.
Ako, pupunta muna sa rest house namin sa Tagaytay. Para makapagbonding naman kami ng family. Masyado kasi akong nagbusy-busyhan eh.
Ako naman, stay lang sa bahay. Wala naman akong ibang balak puntahan eh. Isa pa, two weeks lang naman ang sembreak eh. Matutulog nalang muna ako, pambawi din yun. Ikaw Astin? Oo nga! Ako kaya? Anong plano ko? Wala naman akong maisip gawin.
Hmm. Ewan ko pa eh. Wala pa akong naiisip na gawin.

Haynako. No wonder kung bakit ang baho ng amoy dito sa cafeteria na 'to... Look who's here. Yan na naman ang boses na kinaaasaran ko. Haaay! Di ko nalang siya papansinin.
Hey you, loser! Turn around please. I just want to see an ugly face. Aba! Inaasar talaga ako nitong babaeng 'to ah! Teka nga!
Bes, diba lagi kang may dalang salamin sa bulsa mo? Bulong ko kay Sharmaine.
Oo. Bakit?
Akin na. Kinuha naman niya agad, tas inabot sakin.
OH! Tumingin ka dito! Now, your wish is granted. Nakakita ka na ng ugly face. Nagtawanan naman lahat ng nakarinig sa cafeteria. Oh well Bridgette! I know you're pissed off.
Humanda ka talaga sakin! Lalo mong pinagiinit ulo ko! Aba! Ako pa! 
I'm always prepared my dear, look! We don't need you, gutom na kami at gusto na lang naming kumain. Kung magsstay ka pa rin dito, baka maumay lang kami. So, get out of our way! Nagpalakpakan naman lahat. At siya? Tinalikuran kami together with her alalays!
Nice one Astin! You're the best! Lagi syang tablado sayo! BRAVO! Sabi ni Michelle habang naglalakad kami.
Thanks Michelle. Kasalanan naman niya kung bakit ko sya ginaganyan eh. Sharmaine knew how kind I am. Diba Sharmaine? Sabay pacute ko kay best friend.
Oo! Kaya nga kulang na lang sa kanila na lang ako tumira eh. Always welcome naman ako dun, dhil sa kanya. Nagtawanan naman kami.

Naglakad na kami papanik dun. Nagulat na lang ako nung nandun na si Ken kausap ni Ferdz. Napatingin samin si Ken, pero umiwas din agad ng tingin tas bigla nalang nanahimik.


Oh Astin! Nakabalik na pala kayo! Tara, let's eat na! Napansin na naman ni Ferdz yung iwasan namin. 


Oo nga. Kain na tayo. Ganyan naman sila ni Sharmaine eh, sila ang parating unang nakakapansin ng biglang tinginan namin ni Ken tas biglang mag-iiwasan, pero ayos lang yun.


Ken! Di ka ba kakain? tanong ni Ferdz. Aaah. Kumain na 'ko, kasama ni Dad kanina. Alis muna ko ha. May pupuntahan lang. Ge. Nagwave nalang sya tas umalis na agad.


Kenneth.


Oy pre! Buti naman at bumalik ka na. Kakaalis lang pala nila Astin para bumili ng pagkain. Saan ka ba nagpunta kanina at bigla ka na lang nawala?


Si Dad kasi yung tumawag kanina, umuwi siya from France kaya ayun. Pinauwi ako para maglunch.


Hmm. So, kumusta naman si Tito? May nasabi ba siya sayo about dito sa school? Diba ikaw na ang susunod na magmamay-ari nito? Ang daming tanong nitong best friend ko ah!


Okay naman siya. About sa pagmamana ko dito sa school, matatagalan pa yun no. As usual, nakarating na naman sakanya lahat ng kalokohan ko dito kaya ayun. Dapat daw mabago muna yung ugali ko before making a decision. 


Mukhang wala na kaming mapag-usapan. Sakto namang may narinig akong nagtatawanan.



Oh Astin! Nakabalik na pala kayo! Tara, let's eat na! Napansin na naman ni Ferdz yung biglang tingin ko sakanila.

Oo nga. Kain na tayo. Ganyan naman sila ni Sharmaine eh, sila ang parating unang nakakapansin ng biglang tinginan namin ni Astin tas biglang mag-iiwasan, bakit ba kasi kelangan pa 'to? Pwede ko namang controlin yung mga nangyayari sakanya eh. Hays.

Tumayo na lang ako tas tumingin sa may baba ng Cafeteria.

Ken! Di ka ba kakain? tanong ni Ferdz. Aaah. Kumain na 'ko, kasama ni Dad kanina. Alis muna ko ha. May pupuntahan lang. Ge. Nagdecide na kong umalis tas nagwave nalang kay Ferdz.