CHAPTER 10
Astin.
Hayy. On the way na kami papuntang school. Sana lang at hindi kami makita nung babaeng nagbuhos sa'kin sa cafeteria.
Teka nga! Bakit ba'ko natatakot dun?! I'm Astin Andrea Indiana na tumagal sa states for 3-years, kaya sanay na din ako sa mga ganung situation. Hay naku naman! Nabigla lang talaga ako nun!
Astin, nandito na tayo.
Ay! Naku! Sa kakaisip ko sa nangyari na yun, hindi ko namalayang nandito na kami.
Salamat sa pagsundo sa'kin Ken. Pero, mas okay siguro kung iiwasan mo muna 'ko. Sige huh.
Sabay baba na sa kotse niya. Siguro nga, tama na din yung ginawa ko na yun para naman maka-iwas na din ako sa gulo.
Uy Best! Bakit hindi ka pumasok last friday? Tatlo tuloy ang na-miss mong quiz. Aba ayos din 'tong school na 'to ah! Ilang days pa lang ang nakakalipas.. Nag-quiz na agad.
Ahm. Nagka-trangkaso kasi ako nun, siguro dahil na din dun sa pagkakabasa sa'kin nung Thursday. Grabe talaga! Eto lang ang masama sa'kin pag nakikipag-war eh. Humihina yung katawan ko.
Hay naku! Iba talaga yun si Bridgette, palibhasa kasi, hindi siguro siya makapaniwala na si Ken ang nakipagbreak sa kaniya at hindi siya.
Ibig sabihin, naging sila ni Ken?
Oo. Isa siya sa "girlfriend for the day" ni Ken. Kaya ganun nalang siya kung mang-galaiti sa'yo. Iniisip niya na dahil sa'yo, kaya nakipag-break si Ken sa kanya.
Aba't ayos din pala yung Bridgette na yun eh! Ang babaw ng dahilan niya para ipahiya ako ng ganun sa maraming tao! Humanda talaga yung babaeng yun sa'kin.
Ah, best... Anong year na nung Bridgette na yun?
Third year din like us. Why?
Wala naman. Saang room siya?
Sa pangatlong room after ng room natin.
Ganun ba? Salamat best sa info. Sige, later na ulit. There will be a very nice show. Sabay evil smile. Oh di ba? Hindi ako papayag na ako lang ang napahiya sa harap ng maraming tao. Dapat patas lang kami. Nagkamali siya ng binangga.
Kenneth.
Bakit kaya kanina pa siya nakatulala diyan?! Wala man lang siyang imik... Hindi kaya dahil yun sa nangyari nung day na binantayan ko siya?! Naku naman ken!!! Pabigla-bigla ka kasi eh...
Astin, nandito na tayo.
Buti naman at nadisturb din siya.
Salamat sa pagsundo sa'kin Ken. Pero, mas okay siguro kung iiwasan mo muna 'ko. Sige huh.
Huh? Bakit biglang ganun yun?! Anong nangyari sa'kanya?! Naku! Naku! Naku!
Pagdating ko sa room. Nandun na din siya pero nagbabasa lang siya.
Nothing much happened. Just a very simple class. Nagdadaldal yung mga teachers habang yung buong klase naman eh halatang boring na.
Pagdating ko naman sa orasan ko, aba! Malapit nang magbell. Buti naman.
*KKKRRRRIIINNNGGG*
Pagdating naman dito sa cafeteria, nandito na sila Ferdz, Novie at yung iba pa naming katropa.
OH! Ba't parang hindi ata kayo magkasama ni Astin?
Oo nga pre! Nung nakaraan lang nabalitaan naming ikaw ang nagbantay sa kanya nung nagkasakit siya ah!! Ito nga pala si Erick, isa siya sa mga katropa ko.. Tulad ni Ferdz, matagal ko na rin siyang nakakasama. Teka! Bakit alam nitong mga 'to yung tungkol dun?!
Pa'no niyo nalaman yun?!
Siyempre! Kami pa! Marami kaming source noh!
Siyempre! Kami pa! Marami kaming source noh!
Ayos din 'tong mga 'to eh noh. Simpleng mga spy!!!
AAAAHHH!!! Boses ni Bridgette yun ah!
Halos lahat kaming magkakatropa napatingin sa baba. AY! Hindi pala halos... lahat kami napatingin!
Ano bang kasalanan ko sayo't nagawa mo 'kong buhusan ng iced tea last Thursday?!
Eh sa trip kong gawin sa'yo yun eh!
Ay! Ganun ba?! Eh di trip ko lang ding buhusan ka ng tubig.. Take note, galing pa sa banyo yan!
How dare you! Sana kahit iced tea na lang din ang binuhos mo!
Sorry huh! Iba ako kapag gumanti eh! Nagkamali ka ng binangga Bridgette!
Ikaw ang nagkamali, after this.. You'll see that your junior's life will ruined by Bridgette Santos.
As if naman na natatakot ako noh!? Hello, i'm Astin Andrea Indiana, wala pang nakapagpatumba sa'kin even sa states. Sinasamba pa nga ang kagandahan ko noh!
HUMANDA KA! Ang galing niya! Ganun nalang ang nasabi ni Bridgette! May tinatago pa lang tapang 'tong si Astin!