Sunday

Unexpected Love. : chapter 13






CHAPTER 13

Kenneth.

Walang iba kundi si...

Josh Marvin Valentine? Yung tatahi-tahimik lang? Aba! Kasali pala 'to sa mga 'to?
Oo nga p're! Ang akala ko, pwedeng ma-bully 'tong isang 'to ha.
Humanda 'to sa'kin. Nasa'n nga pala si Sharmaine? Ang alam ko kasi, dapat nandito din siya ngayon di'ba?
Oo. Naka-alis na siya, kanina pa.
Saan daw siya pupunta? Yung ang hindi ko alam. Kailangan ko pa bang tanungin kung saan siya pupunta everytime na aalis siya?
Lokong 'to ah! Nagagawa pang mambara! Wew!
So, nambabara ka? Ganun?
Pwede rin!
G@gu ka talaga! Kaibigan ka ba ha?
Joke lang. Ito naman. Mainitin ang ulo. Basta, hindi niya nasabi sa'kin kung saan siya pupunta.
Sigesige. Salamat p're sa pagtulong.
No Problem Pre! Basta yung lunch ko ha!
Gutumin talaga 'tong best friend ko na 'to..
O ito na. Bumili ka na lang. Di kita masasamahan ngayon. Sige ha.
Sige. Salamat p're. Kaya love kita eh.
Nababading ka na naman?
Hindi naman ah.
Sige na. Aalis na'ko.
Ingat!


Nagwave nalang ako nang hindi nakatalikod nako sa kanya as a sign na nagpapaalam nako. WAIT! Nagpapaalam dahil pupuntahan na ah. Hindi yung aalis na as in aalis na. Baka kung ano namang iniisip niyo! 


Pagsakay ko ng kotse ko, tinawagan ko na agad si Astin.


Calling...
Astin


Oh bakit?
Nasan ka?
Eh ano bang pakialam mo? Aba! Ang sungit naman nito! Tss/
Kailangan nga nating mag-usap! Alam mo na ba kung anong balita sayo ngayon sa school?
Oo. Bakit? Alam na pala nya eh. Mas madali kong madidiscuss sakanya to.
Alam ko na kung sinong nagpost nun at kailangan kong sabihin sayo ngayon kaya kung pwede, sabihin mo na sana kung nasaan ka. Narinig kong nag-sigh sya tas huminto muna ng pagsasalita.
Nandito ako sa bahay pero paalis narin kami ni Sharmaine para pumunta sana sa school para alamin yung tungkol sa issue na yan. Tama yung kutob ko. Nasa bahay nga sya. Kaya nagdrive na ko papunta sa bahay nila.
Hwag ka nang umalis dyan. Hintayin mo na ko. Tas binaba ko na para wala na siyang isagot, panigurado, di nanaman papayag yun.


Astin.


Hwag ka nang umalis dyan. Hintayin mo na ko.  Aba! Hindi man lang ako hinintay na sumagot kung papayag ba kong hintayin siya. No choice! Hindi na 'kami umalis ni Sharmaine.


Ano bes? Let's go!
Hindi na tayo aalis. Papunta ngayon dito si Ken because of the same purpose. Alam na raw niya kung sino nagpost nung sinasabi mong news. As expected, inintay nga namin siya. After 5 minutes...


*DINGDONG* Basta yung tunog ng doorbell! Tss.


Pagbukas ko ng gate, pumasok na sya agad. ABA! Bahay ko ata yung pinuntahan nya!


Pagpasok ko sa loob, katabi na nya si Sharmaine at mukhang may pinag-uusapan sila, may pinapakita rin siyang folder na clueless ako kung ano ang laman.


Oh. Sabay abot nya sakin nung folder. Napansin kong nakabilog yung pangalan ni... 'Josh Marvin Valentine'?
Anong gagawin ko dito? Ang epal ba nung tanong? Sorry. Di ko naman alam kung para saan yun eh.
Nakikita mo ba yung nakabilog na pangalan dyan? HELLO! Di naman ako bulag no!
Oo. Bakit?Anong meron kay Josh?
Siya yung nagpost nun,kaya kung napansin mo, siya ang nangunguna sa listahan, sakanya kasi ang pinakapinaguusapan ngayon. Wait, I'm referring to the issue wherein you're involved.
Grabe talaga 'tong school namin. Ang daaaaming alam! Tss. Teka! Narinig niyo yun? Nag-english sya! >:) any, mayaman nga pala sya. SORRY! :))
Humanda sakin tong lalaking 'to. Sharmaine! Sorry ha. Pero baka hindi mo na siya makita pa bukas.
TEKA! Ano bang balak mong gawin sakanya?
Ipapa-drop ko! YUP! You're right! Buo ang loob kong ipadrop siya! Akala niya ha.
Hwag naman ganun bes!
Teka, bakit ba ayaw mong gawin niya yun? May gusto kaba sa kanya?
Huli! Hindi na sya nakasagot.Sorry bes! Alam mo naman ako, ayoko ng kinakabangga ako.
Ganito nalang! Since ayaw din naman ng best friend mong ipa-drop yang Josh na yan. Paaalisin ko nalang siya sa Paparazzi group.
Aba! Aba! Aba! Anong nangyari sakanya't ang bait niya?? O_O


After naming magusap, nagmerienda muna kami, tapos umalis na silang dalawa. Napagusapan naming magkita ng maaga on Monday para kausapin yung Principal at yung president ng Paparazzi group.
-------------------------------------------------------------------------------------------------


*GOOD MORNING SUNSHINE! WAKE UP!*


Monday na nga pala. Kailangan kong pumasok nang maaga para dun sa napagusapan namin nila Ken at Sharmaine.


Nagbihis nako tas kumain ng breakfast. Tapos, umalis na agad ako papuntang school. YUP! Ayoko nang magpahatid at magpasundo pa kay Ken. Nakapagdecide nako eh. Ayoko na ng gulo kaya much better if I'll stay away from him. After ng issue na 'to, ayoko na! Pangalawang beses ko nang sinabi 'to pero decided na talaga akong gagawin ko 'to. 


*FLASHBACK*


Calling...
KenEpal


Oh bakit? Ayos yung pambungad ah! Wala man lang HELLO! Tss. Epal talaga!
Ayoko nang magpahatid at magpasundo. Kahit sa school, di mo narin ako kelangan pang sabayan.
Bakit naman? Ano bang problema mo?
BASTA! Kung hindi mo pa rin maintindihan, I'll make it short. AYOKO NANG LUMAPIT KA PA SAKIN!
Pero pa'no nalang yung plano natin on Monday? Oo nga pala! Nakalimutan ko na yun! OH ASTIN! Tumatanda kana ba?
FINE! After Monday, I want you to stay away from me.
Pero bakit nga? Hindi ko gagawin yung gusto mo kung wala akong maririnig na maayos na explanation.
HAAAAAAAYS! Look! Sa school, sikat ka! Lahat ng babae dun gusto ka except ako, of course! Kung patuloy ka pang didikit sakin and will act as my "knight in shining armor", hindi ako maiiwas sa gulo. Is it enough?
Hindi siya sumagot. Nag-sigh siya at hindi nagsalita for a while. Kaya inunahan ko na.
HEY! Will you do it for me?
Oo na. Ba't ganun? Parang nalungkot siya? AYEWAN! Tama naman yung ginawa ko eh. I think.


*END OF FLASHBACK*


Ang hassle ba nung pagkausap ko sakanya? SORRY. I think it's the best way para naman mahiwalay nako sa gulo.


Pagkarating ko sa school. Nakita ko na si Sharmaine at Ken sa may bench. I guess, they're just waiting for me. Feeler ako no?


SHARMAINE! Sigaw ko while half-smiling. Gotcha! I got her attention, as well as Ken. Lumapit na rin ako.
Oh! Nandito na pala si bes eh. Sabi niya kay Ken. Ano? Tara na? Tas, sakin na siya tumingin.


Naglakad na kami papunta sa principal's office. Well, I know, monday ngayon at dapat may Flag Ceremony pa pero dahil sa pwede namang malate, nagpalate ako at hindi na umattend pa dun.


Pagdating namin sa Principal's office.
Hi, good morning can I talk to Mrs. Salvador? Sabi ni Ken dun sa babae. Tas, may dinial yung babae, may kinausap saglit, siguro less than a minute yun, tas binaba na din niya agad. Bumalik yung tingin niya kay Ken at samin.
She's in her office. You can go now. Sagot naman nung secretary ata sya? Ay ewan! Di ko naman obligasyon pang kabisaduhin kung sino sila. Importante! Makapag-aral ako. Hehe.
Thank you. Tapos, pumasok na kami sa loob ng office.


Oh iho, what can I do for you? Nakipag-away ka nanaman ba? Nako! Patay ka nanaman sa parents mo nyan. Hindi pa nga nakakapagsalita si Ken, ganun na agad. Sabagay, may sayad din kasi tong mokong na 'to eh. AT! Wait a minute, hindi ata kami napansin nitong principal na 'to.


It's not about that thing tita. ANO? Tita niya rin tong principal na 'to. GRAAAAABE! Ang lakas ng kapit nito! Nandito kami para hingin sana yung approval mo sa gagawin naming pagpapatalsik kay Josh Marvin Valentine sa Paparazzi group. After nyang sabihin yun, mukhang nagulat pa yung principal.


Pagpapatalsik? Pero bakit? Ano bang ginawa niya? Mukang tututol pa 'to. Err. Sana wag! Gusto ko talaga syang paalisin dun para wala nang kung ano pang ipost.


Ito. Tas, may binigay syang brown envelope. Nung binuksan ni Mrs. Salvador yung envelope, may nilabas syang picture. Tas napatingin sakin.


Is this you, Miss...? Pabalik-balik yung tingin niya sakin pati dun sa picture. Lumapit ako para makita kung ako nga yun. Laking gulat ko na.. AKO NGA YUN! O_O


Yes Mrs. Salvador, I'm sorry for doing such thing. I'm Astin Andrea Indiana, classmate po ako ni Ken. 
Napaisip siya.. Malay ko kung anong iniisip niya. Di naman ako Mind Reader eh.


Pero, bakit kayo ang magrerequest because of this? Hindi ba dapat yung nakaupo na 'to, ha Miss Indiana? Aba! Loko 'to ah! Well. I'll explain.


Actually ma'am, hindi ko naman po talaga intention na gawin yan. Siya po ang nauna at kaya ako ang nagrerequest kasi, against sakin yung pinost niya related to that scene. Mukha namang okay na yung side ko. 


So? What's your decision? I think, sapat na yung sinabi niya para ibigay mo yung approval na hinihingi namin. The hell. Ba't ganyan siya makipagusap? Tita niya kaya yan!


Aba! Don't talk to me like that. Tita mo pa rin ako. You jerk! Bingo! Tss. Baka hindi pa pumayag to eh.


Ken, pwede ba? Let her think. H'wag mo syang madaliin.


Fine! Here's an approval slip. Ibigay mo 'to sa president nila para wala na silang masabi pa. Habang may sinulat siya. After nun, pumirma na siya.


Thank you so much Mrs. Salvador. Nag-vow ako tas umalis na kami. Si Ken nauna nanamang lumabas, parang kanina lang, nauna siyang maglakad samin papunta dito. Well, I don't care.


Pagpasok namin sa office ng Paparazzi, hinanap agad ni Ken yung president at nilapag sa table yung approval slip.


Anong ibig sabihin nito? Tanong nung president.
Kung binabasa mo muna kaya para malaman mo kung anong ibig sabihin niyan. Langya talaga! Ang hangin niya talaga sumagot. Err. Tas, binasa niya.
Teka! Bakit gusto nyo syang paalisin?
Simple lang. Dahil sa pinost niya last week. Ganyan ba talaga gusto niyong gawin? Ang sirain ang image ng ibang estudyante dito sa school na 'to? Hindi nyo ba naisip na pwede rin yang ikasira ng school. Baka nakakalimutan niyo kung gaano kilala ang school natin! Natihimik yung president. Halatang wala syang magagawa. HAY! CONGRATS ASTIN! YOU WON! >:)
Mr. Valentine, I need to talk to you, we have something to discuss. Well, Mr. Veneranda, ako na ang bahala. At, pasensya na rin sa ginawa nya.
TEKA LANG! Hindi ikaw ang dapat na humingi ng pasensya. Pero, dapat din siyang  humingi na tawad diba? Kasi, without his approval, hindi naman mapopost yun. Bahala na nga.
Tama po siya Ms. Ramos, ako dapat ang humingi ng tawad sakanya kasi ako yung nagpost nun. Dahil sakin, lumabas syang masama sa mata ng lahat ng tao dito sa school natin. Ano ba to si Josh? Mushroom? Bigla nalang siyang sumusulpot dito sa usapan namin samantalang dapat mamaya pa sya kakausapin.
Buti alam mo. Bulong ni Ken. Humarap sakin si Josh, at... biglang lumuhod.
Bes! Patawarin mo na sya, mukhang sincere naman sya eh. Ano ba 'tong si Sharmaine!? Ang lambot agad ng puso, palibhasa gusto niya yung taong nasa harap ko ngayon.
Sino bang niloloko mo? Di ka rin pala magaling na tsismoso... Magaling ka rin umarte... 
Hindi ako umaarte ngayon. Seryoso ako sa ginagawa ko. Hindi ko naman ipopost yun kung hindi ako inutusan ni...
Nino? Sabat ni Ken.
Ni Bridgette. Ni Bridgette nanaman? Ang galing talaga ng babaeng yun. Talagang di ako tinitigilan.
Paano ka nya kinausap?
Nung araw ding yun, nakita ako ng mga kaibigan niyang kinunan yung scene na yun. Pag-alis ko ng cafeteria, dumiretso ako dito sa office... 
Teka! Bago mo ituloy yan, tumayo kana dyan. Naawa rin kasi ako, masakit kaya sa tuhod yung ginagawa niya. Napatingin ako kay Sharmaine, nakita ko naman siyang ngumiti sakin at nag-thumbs up.


As I was saying...


*FLASHBACK*
Hey Mr. Paparazzi man!
Brid.. Brid.. Bridgette! Anong kailangan mo?
Don't pretend that you don't know what I want!
Yung... picture ba? 
EXACTLY!
Anong.. gusto.. mong.. gawin ko dun? Idedelete ko nalang ba?
H'WAG! Post it!

Pero.. bakit? Di'ba.. ayaw mo ng.. nagmumukha kang... loser sa mata ng iba? 
Magaling ka rin pala! Yup. You're right! Pero, this time. That image can ruin Astin's life. Get it?
Pero...
Wala ng pero'pero pa! POST IT! Nakausap ko na rin yung President niyo kaya pwede mo ng ipost yan. Kailangan makita ko yan bukas.


*END OF FLASHBACK*


After niyang sabihin yun. Lumabas na siya agad kasama ng mga kaibigan niya.


Walangya talaga yung Bridgette na yun! Ano pa bang gusto niya? Napatingin nalang ako kay Ken na mukhang may malalim na iniisip.


Bes! Nag-bell na.. kelangan na nating umalis.. May klase pa tayo.. Jusme! Thanks Bes, kumalma ako dahil sa binulong mo!


Oh well! The said issue should end now. We still have classes to attend so we need to go now. Paalis na sana kami ng office pero huminto ako. Tumigil din naman si Sharmaine pero si Ken, tuloy-tuloy na sa pag-alis.


Ah.. Josh.. Thanks for telling the whole story. It helps a lot. Your sorry is accepted. You're forgiven. That's it. Bye. Umalis na kami para pumasok sa klase.

Friday

Unexpected Love. : chapter 12


CHAPTER 12

Astin

Gusto ko muna baguhin ulit lahat. Nakalimutan ko yung pinangako ko sa sarili ko na di muna ko masasama sa mga ganyang trouble. 'Pag me ginawa na naman sa'kin yang Bridgette na yan, 'di na lang ako gaganti. Principal na lang ang bahala sa kanya. Hay..
BES!!!!! Eto na naman 'tong Best Friend kong nakakabingi ang sigaw! Namannn!!
Oh bakit? Me sunog ba?
Ayan ka na naman eh! Trashtalk ka talaga noh!
Di ka pa ba nasanay?!
Nasanay na! Hehe.
Yun naman pala eh. Oh ano? Bakit ka nga nabisita? Kasi naman, halos araw-araw na nga kaming magkasama sa School eh.
Eh kasi, kanina galing ako sa school, and, nakita ko sa Bulletin Board na ikaw ang pinagpipyestahan ng mga magagaling na Paparazzi ng Campus. Nakadisplay dun yung picture ng ginawa mo ke Bridgette nung nasa Cafeteria tayo.
Ano raw? Ayos din yung mga paparazzi na yun ah! Humanda ang nagdisplay nun! ... Pero, kakapromise ko lang ulit diba? ... Kaso, sasama ang image ko sa school namin. Hay nako! Bahala na! Ito na napasok ko eh! La na 'kong takas dito! Ken naman kasi eh!!! Ano? Ano? Ano? Ms. Author! Paki-delete yung huli kong sinabi! *Bayad muna* Aba! Mukang money ka Ms. Author ha! *Ganyan na kahirap ang buhay sa Pilipinas ngayon noh!* Osya! Hwag na lang. *Kuripot ng rich girl na 'to!*
Oy bes! Ano nang nangyari sa'yo dyan?! Natulala ka dyan ha!
Pasenya naman diba? Sinong kilala mo ang pwedeng makatulong sa'kin para ipatanggal yung post na yun?
Sila Ken lang bes, siya at ang grupo lang naman niya ang pinakamalakas sa campus eh. Whatda! H'wag na nga lang! Ako na lang ang bahala! Psh.
Ganun? Never mind na lang pala. Ako na lang ang bahalang umayos sa gulong sinimulan ng peshteng Bridgette na yan! Naman oh!

Kenneth.

Saturday na pala ngayon. Ambilis ng araw ano? *Bakit? Tumatakbo ba?* Ba't ba nambabara 'to si Ms. Author? *Wapakels!* Hay nako! Teka! Kelangan ko nga pala pumuntang school dahil me pinapagawa and Daddy. Oha! Naging masunurin akong bigla! Ambait ko na! *Di rin!* Basag trip din 'tong Author na 'to eh noh! Hwag na ngang umangal! *Ganun? Baka nakakalimutan mong ako ang nagmamanage ng story na 'to?* Hindi naman Ms.Author! Ayos lang pala. Sige lang, mambara ka lang! :)) *Good*

Osya. Pagdating ko sa School, me nakita akong picture ng isang scene na mukang alam ko kung kelan nangyari. Pag lapit ko. O_o




.....




Si Astin 'to ah! Ito yung nangyari sa Cafeteria! Mga epal na Paparazzi to! Sino kaya sa kanila ang kumuha nito? Hayss..

Oy Ferdz!
Oh! Nandyan ka na pala!
Hindi! Hindi! Wala pa 'ko! Parating pa lang!
G@gu ka talaga! Osya! Bakit?
Kelangan ko tulong mo.
Anong maipaglilingkod ko?
Tulungan mo 'kong kilalanin kung sino yung nagpost ng pictures nila Astin at Bridgette dun sa Bulletin Board. Nakita mo na ba yun?
Oo. Kahit ako nagulat eh. Pano na lang pag nalaman pa ni Astin yun. Eh di ba ang tapang nun? Yari na!
Kaya nga eh. Kaya kelangan nating malaman yun para mapaslang natin yung paparazzi-ng nagpost nun dun.
Ang brutal mo naman! Hwag ganun! Akala ko ba mabait kana? Huh? Pano nalaman ng mokong na 'to ang tungkol dun? Ang daldal talaga ni Ms.Author oh! *Anong sabi mo?* Wala po Ms. Author! *Good!*

Kaya after kong gawin yung pinagawa ni Daddy. Tiningnan ko na agad yung list ng mga pesteng Paparazzi na yun sa Office nila. Yup! Totoo ang nabasa niyo readers. Me office sila dito sa campus. Sabi kasi ng Principal, kahit papano daw, nakakatulong pa din sila sa Campus kasi nagiging updated ang lahat sa kung anong nangyayari sa bawat paligid nito.

Pagdating namin sa me tapat ng pinto ng Paparazzi Office, me isang taong nasa loob.
P're, ikaw muna ang pumasok. Subukan mong hingin sa lalaking yan ang listahan ng mga Paparazzi ng Campus.
Sige.

After 2mins. Oha! Ambilis!
O ito. Sabay abot sa'kin ng folder na may list of names sa loob.
Ang galing talaga ni Ferdz!
Hwag ka nang mambola dyan, dapat may lunch yan na kapalit. Ito talagang best friend ko na'to. Laging lunch ang kapalit. Wala atang makain 'to eh.
Osigesige. Lagi kang gutom eh.
Hindi naman.

Pagtingin ko sa lists. Nandun din yung top10 nila, hindi siya by grades kundi based siya sa kung sino ang nakapagtake ng picture ng pinaka-latest na scene sa Campus na pwedeng maging hot issue para sa lahat. At kung sino ang nangunguna? Walang iba kundi si....

--Ohwell. Pambitin lang. :D Abangan na lang po ang next chapter. :D

Wednesday

Unexpected Love. : chapter 11

CHAPTER 11

Astin

Oy Bes! Ayos yun ah! Ang galing mo!
Naman! Ako pa! Sinimulan niya eh! Namiss ko pa naman yung mga gan'tong scenes sa school.
Ha? Bakit? Marami din bang umaaway sayo dun sa States? Hala! Interview session na naman ba 'to?
Actually, oo! Siyempre, maganda ang best friend mo kaya maraming boylets doon. Kaya marami ding katulad ni Bridgette doon. Mas matindi pa nga eh.
Kaya naman pala halos sanay ka na.
Siyempre! Kaya humanda siya, 'di ko siya uurungan noh. Talagang hindi! Lokaret siya, nagkamali siya ng kinabangga.

*KKRRIINNGG*

Bes! Let's go! Nagbell na!
Ge!
Astin! Boses ni Ken yun ah. Bahala siya. Gusto ko na umiwas sa kanya. Nagiging trouble lover na naman tuloy ako. Haha.

Ken

Astin! Bakit kaya hindi niya ako pinansin kanina? Anong problema niya? Pati ba sa'kin nagalit siya?

--Ang ikli! Super! Next time, pag sinipag ako. Hehe.


Thursday

Unexpected Love. : chapter 10

CHAPTER 10
Astin.

Hayy. On the way na kami papuntang school. Sana lang at hindi kami makita nung babaeng nagbuhos sa'kin sa cafeteria.

Teka nga! Bakit ba'ko natatakot dun?! I'm Astin Andrea Indiana na tumagal sa states for 3-years, kaya sanay na din ako sa mga ganung situation. Hay naku naman! Nabigla lang talaga ako nun! 

Astin, nandito na tayo.
Ay! Naku! Sa kakaisip ko sa nangyari na yun, hindi ko namalayang nandito na kami.
Salamat sa pagsundo sa'kin Ken. Pero, mas okay siguro kung iiwasan mo muna 'ko. Sige huh.
Sabay baba na sa kotse niya. Siguro nga, tama na din yung ginawa ko na yun para naman maka-iwas na din ako sa gulo.

Uy Best! Bakit hindi ka pumasok last friday? Tatlo tuloy ang na-miss mong quiz. Aba ayos din 'tong school na 'to ah! Ilang days pa lang ang nakakalipas.. Nag-quiz na agad.

Ahm. Nagka-trangkaso kasi ako nun, siguro dahil na din dun sa pagkakabasa sa'kin nung Thursday. Grabe talaga! Eto lang ang masama sa'kin pag nakikipag-war eh. Humihina yung katawan ko.
Hay naku! Iba talaga yun si Bridgette, palibhasa kasi, hindi siguro siya makapaniwala na si Ken ang nakipagbreak sa kaniya at hindi siya.
Ibig sabihin, naging sila ni Ken?
Oo. Isa siya sa "girlfriend for the day" ni Ken. Kaya ganun nalang siya kung mang-galaiti sa'yo. Iniisip niya na dahil sa'yo, kaya nakipag-break si Ken sa kanya.
Aba't ayos din pala yung Bridgette na yun eh! Ang babaw ng dahilan niya para ipahiya ako ng ganun sa maraming tao! Humanda talaga yung babaeng yun sa'kin.
Ah, best... Anong year na nung Bridgette na yun?
Third year din like us. Why?
Wala naman. Saang room siya?
Sa pangatlong room after ng room natin.
Ganun ba? Salamat best sa info. Sige, later na ulit. There will be a very nice show. Sabay evil smile. Oh di ba? Hindi ako papayag na ako lang ang napahiya sa harap ng maraming tao. Dapat patas lang kami. Nagkamali siya ng binangga.

Kenneth.

Bakit kaya kanina pa siya nakatulala diyan?! Wala man lang siyang imik... Hindi kaya dahil yun sa nangyari nung day na binantayan ko siya?! Naku naman ken!!! Pabigla-bigla ka kasi eh...

Astin, nandito na tayo.
Buti naman at nadisturb din siya.
Salamat sa pagsundo sa'kin Ken. Pero, mas okay siguro kung iiwasan mo muna 'ko. Sige huh.
Huh? Bakit biglang ganun yun?! Anong nangyari sa'kanya?! Naku! Naku! Naku!

Pagdating ko sa room. Nandun na din siya pero nagbabasa lang siya.

Nothing much happened. Just a very simple class. Nagdadaldal yung mga teachers habang yung buong klase naman eh halatang boring na.

Pagdating ko naman sa orasan ko, aba! Malapit nang magbell. Buti naman.

*KKKRRRRIIINNNGGG*

Pagdating naman dito sa cafeteria, nandito na sila Ferdz, Novie at yung iba pa naming katropa.

OH! Ba't parang hindi ata kayo magkasama ni Astin?
Oo nga pre! Nung nakaraan lang nabalitaan naming ikaw ang nagbantay sa kanya nung nagkasakit siya ah!! Ito nga pala si Erick, isa siya sa mga katropa ko.. Tulad ni Ferdz, matagal ko na rin siyang nakakasama. Teka! Bakit alam nitong mga 'to yung tungkol dun?!
Pa'no niyo nalaman yun?!
Siyempre! Kami pa! Marami kaming source noh!
Ayos din 'tong mga 'to eh noh. Simpleng mga spy!!!

AAAAHHH!!! Boses ni Bridgette yun ah!

Halos lahat kaming magkakatropa napatingin sa baba. AY! Hindi pala halos... lahat kami napatingin!

Ano bang kasalanan ko sayo't nagawa mo 'kong buhusan ng iced tea last Thursday?!
Eh sa trip kong gawin sa'yo yun eh!
Ay! Ganun ba?! Eh di trip ko lang ding buhusan ka ng tubig.. Take note, galing pa sa banyo yan!
How dare you! Sana kahit iced tea na lang din ang binuhos mo! 
Sorry huh! Iba ako kapag gumanti eh! Nagkamali ka ng binangga Bridgette!
Ikaw ang nagkamali, after this.. You'll see that your junior's life will ruined by Bridgette Santos.
As if naman na natatakot ako noh!? Hello, i'm Astin Andrea Indiana, wala pang nakapagpatumba sa'kin even sa states. Sinasamba pa nga ang kagandahan ko noh!
HUMANDA KA! Ang galing niya! Ganun nalang ang nasabi ni Bridgette! May tinatago pa lang tapang 'tong si Astin!

Unexpected Love. : chapter 9

CHAPTER 9

Astin.

Grabe naman. Hindi ako makaget-over dun sa nangyari sa kwarto nung isang araw! Bakit ganun?

Teka nga! Bakit ba yun yung iniintindi ko?
'Nak! Nandito na si Ken!
Ay! Siya nga pala kasabay ko kapag papasok! Naku naman!!!

(Habang nakatingin sa mirror sa kwarto)
Okay lang yan Tin! Pretend na wala na sa'yo lahat yun! Magaling ka naman um-acting di'ba? Umarte ka na parang balewala sa'yo yun!
Ano ba 'tong pinagsasasabi ko?! Naku Astin! H'wag kang maloka dahil lang dun! Sus!

'Nak! Ano ba?! Mali-late na kayo! Kanina ka pa iniintay ni Ken!!!
Naku naman si mama-dear! Di makapag-antay!
Opo ma! Nandyan na!

Pagbaba niya...
Bakit ba ang tagal mong bumaba?! Parang nagrosaryo ka muna sa kwarto mo bago ka lumabas ah!
Wala po ma! Alam mo naman po kapag teenager di'ba? Ang daming ritwal sa buhay lalo na po't isang babaeng maganda ang anak mo.
Aba! Dami mo pang sinasabi! Sige na. Lumakad na kayo't kanina ka pa inaantay ni Ken sa labas, ayaw na daw niya pumasok dahil ang akala nga niya eh, sandali ka na lang.
Yayks! Mukhang nagtagal nga ako sa kwarto! Huh?! Hindi naman ah! Sandali lang yun! Ay naku! Di bale na nga!
Sige po ma! Got to go! Loveyou ma! Sabay halik sa cheeks.

(Paglabas ng pinto)
Good morning Ken! Tas nag-smile nalang ako pagpasok ko sa kotse nya.

Kenneth.

Sir. Nandito na po tayo sa bahay nila Astin.
I know! 'Di mo na kailangang sabihin!
Kasi naman eh! Di naman ako bulag para sabihin niya pa yun di'ba!!

Teka nga! Bakit ba ang init ng ulo ko ngayon? Ay! Hindi! Hindi mainit ang ulo ko! Kinakabahan ako!
Huh? Kinakabahan? Saan naman ako dapat kabahan? Naku naman!

Halika muna sa loob Ken, mag-almusal ka muna. Nasa kwarto pa kasi si Astin eh.
Si tita pala...
Ay! Ayos lang po. H'wag na po. Mukang pababa na din po yun. Hihintayin ko na lang po siya doon sa sasakyan.
Sige. Ikaw ang bahala. Siya nga pala, salamat sa ginawa mong pag-aalaga sa kaniya nung nagkasakit siya huh.
Naku naman! Pinaalala pa yun! Now I know kung bakit ganito feeling ko ngayon!
Wala po yun Tita. Kahit sino naman po sa mga kaibigan ko ang magkaganun. Aalagaan ko din ng tulad ng ginawa ko sa kanya. Ano daaaw? O_o ang totoo, wala pa kong inaalagaan na tulad ng ginawa ko sakanya. Siya pa lang ang kauna-unahan. Sinungaling ka Ken! 
Sadyang mabait kang bata Ken. Sige huh. Tatawagin ko muna siya sa loob.
Sige po Tita. Salamat po.
Wew!

(After ng ilang minuto)
Good morning Ken! nakakagulat naman 'to. Tas nagsmile pa siya pagpasok. Err. WAG KANG NGUMITI NG GANYAN! TSS.