CHAPTER 9
Astin.
Grabe naman. Hindi ako makaget-over dun sa nangyari sa kwarto nung isang araw! Bakit ganun?
Teka nga! Bakit ba yun yung iniintindi ko?
'Nak! Nandito na si Ken!
Ay! Siya nga pala kasabay ko kapag papasok! Naku naman!!!
(Habang nakatingin sa mirror sa kwarto)
Okay lang yan Tin! Pretend na wala na sa'yo lahat yun! Magaling ka naman um-acting di'ba? Umarte ka na parang balewala sa'yo yun!
Ano ba 'tong pinagsasasabi ko?! Naku Astin! H'wag kang maloka dahil lang dun! Sus!
'Nak! Ano ba?! Mali-late na kayo! Kanina ka pa iniintay ni Ken!!!
Naku naman si mama-dear! Di makapag-antay!
Opo ma! Nandyan na!
Pagbaba niya...
Bakit ba ang tagal mong bumaba?! Parang nagrosaryo ka muna sa kwarto mo bago ka lumabas ah!
Wala po ma! Alam mo naman po kapag teenager di'ba? Ang daming ritwal sa buhay lalo na po't isang babaeng maganda ang anak mo.
Aba! Dami mo pang sinasabi! Sige na. Lumakad na kayo't kanina ka pa inaantay ni Ken sa labas, ayaw na daw niya pumasok dahil ang akala nga niya eh, sandali ka na lang.
Yayks! Mukhang nagtagal nga ako sa kwarto! Huh?! Hindi naman ah! Sandali lang yun! Ay naku! Di bale na nga!
Sige po ma! Got to go! Loveyou ma! Sabay halik sa cheeks.
(Paglabas ng pinto)
Good morning Ken! Tas nag-smile nalang ako pagpasok ko sa kotse nya.
Kenneth.
Sir. Nandito na po tayo sa bahay nila Astin.
I know! 'Di mo na kailangang sabihin!
Kasi naman eh! Di naman ako bulag para sabihin niya pa yun di'ba!!
Teka nga! Bakit ba ang init ng ulo ko ngayon? Ay! Hindi! Hindi mainit ang ulo ko! Kinakabahan ako!
Huh? Kinakabahan? Saan naman ako dapat kabahan? Naku naman!
Halika muna sa loob Ken, mag-almusal ka muna. Nasa kwarto pa kasi si Astin eh.
Si tita pala...
Ay! Ayos lang po. H'wag na po. Mukang pababa na din po yun. Hihintayin ko na lang po siya doon sa sasakyan.
Sige. Ikaw ang bahala. Siya nga pala, salamat sa ginawa mong pag-aalaga sa kaniya nung nagkasakit siya huh.
Naku naman! Pinaalala pa yun! Now I know kung bakit ganito feeling ko ngayon!
Wala po yun Tita. Kahit sino naman po sa mga kaibigan ko ang magkaganun. Aalagaan ko din ng tulad ng ginawa ko sa kanya. Ano daaaw? O_o ang totoo, wala pa kong inaalagaan na tulad ng ginawa ko sakanya. Siya pa lang ang kauna-unahan. Sinungaling ka Ken!
Sadyang mabait kang bata Ken. Sige huh. Tatawagin ko muna siya sa loob.
Sige po Tita. Salamat po.
Wew!
(After ng ilang minuto)
Good morning Ken! nakakagulat naman 'to. Tas nagsmile pa siya pagpasok. Err. WAG KANG NGUMITI NG GANYAN! TSS.
No comments:
Post a Comment