CHAPTER 6
Kenneth.
Nandito na kami ngayon sa clinic para ikuha siya ng extra tshirt. Umiiyak pa din siya...
Tahan na... Nandito na ako, huwag ka na magalala.
Nakakahiya...yung...nangyari...kanina...
Mukang naapektuhan nga sya kanina dun sa nangyari...
H'wag kang magalala, hindi na mangyayari ulit yun, dahil sasamahan na kita parati.
Napansin kong napatingin siya sa akin nung sinabi ko yun.
Oh, bakit? May problema ba?
Wala... Naalala ko lang yung sinabi ni Sharmaine sa akin kanina.
Bakit? Ano bang sinabi niya sayo?
Nang malaman niya kasing ikaw yung nakasama ko kahapon, sabi niya, buti na lang daw at hindi ko sinagot yung tanong niya habang nasa loob kami ng room dahil kung nasagot ko yun baka may death threat na daw ako. Tama! Ganun nga yun!
Yun ang gusto kong iexplain sayo..
Tapos, inexplain ko sakanya yung dapat na sasabihin ko kanina sa cafeteria...
Ah.. Couz, ito yung tshirt oh, sinamahan ko na nga pala yan ng jogging pants..
Inabot naman ni tin yung binigay ng couz ko.. Siya nga pala, nurse sya dito, kaya sya yung nagbigay samin nung tshirt.. Babae sya pero sya ang pinakapaborito ko sa lahat ng pinsan ko..
Sige na, magbihis ka na dun sa CR, hihintayin na lang kita dito.
Humanda talaga yung Bridgette na yun...
Baka makalimutan ko pang babae siya dahil sa ginawa niya.
Hm. Ken... Pwede mo kong samahang kunin yung rubber shoes ko sa locker?
Tapos na pala siya..
Oo naman, halika na, sasamahan kita.
Pero bago kami umalis, lumingon muna ko sa nurse/pinsan ko.
Couz, salamat.
Ngumiti na lang siya samin at umalis na kami.
Dahil sa nangyari kanina, susunduin at ihahatid kita sa inyo, tapos, pag nandito sa school, hindi ka pwede lumabas na hindi ako kasama.
Teka... Bakit ko 'to sinasabi?!
Pano naman sila Sharmaine? Baka magtampo sila sakin kapag hindi na ko sasama sa kanila..Eh di isasama pa din natin sila.
Parang gagawa tayo ng sariling grupo natin?
Oo, just to make sure na hindi ka na nila gagawan pa ng masama.
Wa~! Bakit ba "I really want to protect her" ang drama ko? This feeling is insane! Di ko na maintindihan
Babalik na ba tayo sa room? Late na tayo oh..
Sabay pakita sakin nung orasan niyang may G clef pang design.
Sige. Halika na at ihahatid kita sa room.
Anong ihahatid? Hindi ka pa ba magkaklase? Kanina ka pa hindi nagkaklase huh, hindi porke't anak ka ng may-ari ng school namin, uugaliin mo ng magcutting. Bad habit po yan Mr. Veneranda.
Tama daw bang pangaralan ako?!
May aasikasuhin kasi ako...
Hindi ba makakapag-antay yang gagawin mo? Baka hindi naman masyadong importante yan, magklase ka muna...
Pero para naman sa kanya yung gagawin ko eh...
Pero...
No more buts...
Hindi kaya "but" yung sinabi ko... "Pero" po!
Eh di, wala ng pero, pero.. Nambabara pa eh.. Halika na!
Tapos bigla na niya akong hinila papuntang classroom...
pagpasok namin, center of attention kami, ay hindi...
Yung kamay naming magkahawak... OO!!! Magkahawak dahil sa pagkakahila niya sakin...
Hm. Ma'am, we're very sorry for being late, may nagbuhos kasi kay Ms. Indiana ng juice ata yun kaya sinamahan ko siya sa clinic para kumuha ng pamalit na damit.
Magkahawak pa din yung kamay namin at nakayuko lang siya...
Mr. Veneranda, you don't need to explain. Nasanay na ko sayo at sa pagiging late mo, kaya sige na. You may take your seats.
Ang dami pang sinabi papaupuin din pala kami. Daldal pa kasi eh!
Ay! Oo nga pala...
Nakalimutan kong magkahawak nga pala yung kamay namin kaya binitawan ko na at binulungan muna siya...
Mamayang uwian, h'wag kang lalabas ng room agad huh.
Tumango na lang siya tas bumalik na sa upuan niya.
Pagupo niya buti na lang lumingon siya, may nakasulat kasi sa notebook ko na ipapabasa ko sa kanya...
HINTAYIN MO AKO DITO HUH! :)
Yes! Buti na lang at ngumiti na siya ulit...
Author's note:
~Ano kayang gagawin ni ken?
~Bakit nagpapahantay muna siya kay tin?
~ Ano ibig sabihin nung mga sinabi niya kanina habang nasa clinic siya at nagaantay kay tin na matapos sa pagbibihis?!
~Okay... So much for that.. SPOILER NA NAMAN AKO!! HAHA..
abangan na lang.. :D
nica, nakaadd ka na sa blog ko. wow naman ah, online stories! babasahin ko yan! looking forward to your posts!
ReplyDelete:)
and tama ka, nakalimutan ko nga ang ating madir sa r4! ahaha!
binasa mo ba lahat ng post ko?
nica, true to life ka dyan! ahaha..basta hintayin mo..chapter 3 na nga nagawa ko e, hmm, matagal ko na to nagawa di ko lan ipinopost sa blog ko..nahihiya kasi ako. :)
ReplyDeletenice story ha :) keep it up :-*
ReplyDelete@expecting4u : thanks couz.. support mo pa din 'to huh:)
ReplyDelete