Friday

Unexpected Love. : chapter 2 [2nd part]


continuation...

Astin.

Pagkatapos naming kumain ng breakfast, wala kaming magawa. As in, walang nagsasalita, walang pansinan. Basta WALA. nakakabingi na nga eh..
Hindi pa ba tayo babalik sa room?
Hindi pa ko babalik, pero kung gusto mong bumalik na. Bumalik ka na.
Pagkatapos mo kong hilain palabas ng room at dalin dito, hindi mo man lang ako sasabayang bumalik doon?

Naku naman! Hindi man lang ako kinibo pagkatapos ko siyang sigawan? Haist..

Malapit na din namang magbreak pero, kung iintayin ko pa yun, baka center of attention lang ako kung lahat ng estudyante ng school na to eh nandito sa cafeteria tapos makikita nila akong bumababa galing sa restricted area na 'to.
Hmm. Ken...
Yes! Lumingon naman siya!
Aalis na ko..
Babalik ka na sa room?
Hindi. Maglilibot na lang muna ko. Baka kasi makita ako ng mga estudyante na galing dito, malapit na kasi ang break eh.

Talaga naman! Wala man lang "Sige" o "mag-iingat ka"
Sa bagay, ano pa nga bang aasahan ko!


Pagbaba ko...
Hoy.. Panget!
Napahinto ako at nilingon ko siya.
May pangalan ako noh! At! Hindi ako panget!
San ka naman pupunta?
As if you care?
Masama ba magtanong?
Di ba sinabi ko na sayong maglilibot ako?
Anong sabi mo?
Hindi pwedeng mag-ulit ng sinabi sa bingi!

Akala niya huh.. Umalis na ko para maglibot..

Kenneth.


Grabe din 'tong isang 'to noh! Tama bang sabihan akong bingi? Samantalang kani-kanina lang eh sinabihan niya akong mahangin! San naman kaya pupunta yun?
-----------------------------------------------------------------------------
Hinanap ko siya dahil baka maligaw yun.. Eh bago pa lang yun sa school namin eh.

*KKKRRRIINNNGGG*

Hala! Break na pala!
HOY KEN!
Oh! Bakit?

kasama niya pala ngayon si novie, wala siguro siyang ginagawa ngayon.
San mo dinala si astin kanina? Ikaw huh. Mukang may hakbang ka'ng ginagawa!
ULOL! Hindi! Dinala ko siya kanina sa cafeteria para kausapin tungkol dun sa ginawa ko kahapon pero iniwan ako dun!
Kaya pala mukang may hinahanap ka!

Hm. Guys! Maiwan ko muna kayo, nagtext kasi yung club president namin, may meeting daw kami ngayon. Sige huh! Ay! Ferdz, kita na lang tayo mamayang uwian, bawi ako sayo.. Bye!
Ah! Sige! Ingat! Bye!

Mukang nalungkot si best friend! WAHAHA...
Para kang sawi huh! HAHA. Ayos lang yan, babawi naman daw siya sayo eh. Samahan mo na lang akong hanapin yung babaeng yun.
Yun nga. Hinanap namin siya, pero 'di talaga namin siya makita, nasan kaya yung mokong na yun.. Baka nasa garden..
Ken. Iwan na kita, malapit ng magtime.
Sige. Balitaan mo na lang ako.

Pagalis ni ferdz, dumiretso na ko sa garden ng school namin. At tama nga ang hula ko, nandun siya...
OY PANGET!
Sinabi nang hindi ako panget eh!
Eh sa gusto kong itawag sayo yun eh!
May pangalan naman ako kaya yun ang itawag mo sakin!
Bakit ba ang sungit mo?
Bakit ba ang yabang mo?

Hindi man lang sinagot yung tanong ko? Matabihan nga 'to para lalong maasar!
Sagutin mo yung tanong ko
Pano kung ayoko?
Eh sa gusto kong sagutin mo eh

Hindi na siya sumagot. Tumingin lang siya sa malayo at hindi ako kinausap.
Magsalita ka naman diyan
Alam mo, daig mo pa ang babae sa kadaldalan mo eh
Sino kayang mas madaldal at maingay satin? Tinatanong lang nman kita kung bakit ang sungit mo sakin pero sa iba hindi naman
Kasi, para sakin, isa kang mahangin at mayabang pero hindi naman kita masisisi dahil ang pagkakaalam ko, maraming nahuhumaling diyan sa kagwapuhan mo..
Bakit ikaw? Hindi ka ba nahuhumaling sakin?

Mukang namula ata siya.
Bakit ako mahuhumaling sayo kung ganyan ang ugali mo?
Sus! Kung babaguhin ko ba ang ugali ko? mahuhumaling ka sakin?

Ano ba 'tong sinasabi ko?
Ang hangin mo talaga!
Aba! Sabay tayo at iniwanan ako.
Hinawakan ko yung braso niya para pigilan.
Mamaya ka na umalis, samahan mo muna ko.
Sino ka ba para pagbigyan ko eh hindi ka pa nga nagsosorry sa ginawa mo kahapon eh

Walang talab yung pagpapacute ko?
Sige na, hindi mo muna kasi ako pinapatapos sa sinasabi ko eh
Epektib! Umupo siya ulit.
Alam mo kasi, hindi kita dapat mabubunggo kahapon. Huminto pa nga ako para maggive way sa inyo, pero dahil mauunahan na niya ko at posibleng ako ang manlibre ng lunch, tumakbo na ulit ako, di ko naman inaasahan na, yun yung time na dadaan na kayo sa way namin kaya ayun.
Hindi nman yun ang hinihingi ko, magsorry ka na lang
sorry na.
Sige na.bati na tayo

Napangiti naman ako. Yes! peace na kami! HAHAHA.

No comments:

Post a Comment