Monday

Unexpected Love. : chapter 4

CHAPTER 4
Kenneth.

Pumunta kaya yung isang yun?!

Ay! Hindi!

Maling tanong!

Magets kaya niyang ako yung nagbigay nun?





Pero, bakit ko nga ba ginawa yun?

Kayo readers? Alam niyo ba? basta ang alam ko lang, kanina, paggising ko, naisip kong pumasok ng maaga dahil wala naman akong gagawin kanina sa bahay. boring lang!!! As in BORING!!!

Tapos, pagdating ko dito sa school, bigla na lang akong dinala ng mga paa ko sa garden at kumuha ng mga white roses tas nilagay sa desk niya. Un lang..

Astin.

*KKKRRRIIINNGG*

Uy! Break na!! Kainan na!! :))

AY! Pupunta nga pala ako sa garden.. Kapag nandun pa siya, siyempre tatanungin ko siya kung siya ngayon.. pero kapag wala naman, ibig sabihin, hindi nga siya..

Pagdating ko sa garden, nakita ko siya dun sa bench na inupuan namin kahapon...
Hala! Nakatitig sakin! Bakit?!?

Hindi ako makatingin sakanya!!! WWWWWAAAAA!!!
Baka kapag tinitigan ko 'to.. Matunaw 'tong isang 'to.. Ang gwapo niya kasi eh...
OOPS! Tama na! Baka sobrang pula na ng mukha ko!

Nilapitan ko na agad...

UY! Ikaw ba yung naglagay ng mga--
Oo. Ako nga naglagay nun..
Ito naman di pa ko pinapatapos.. Anyway, thank you nga pala huh.
Anong thank you? May kapalit yun noh!
Huh?! Kung may kapalit yung mga yun, hintayin mo ko dito at kukunin ko lang sa locker ko yung mga yun at isusuli ko sa'yo.. HIndi ko naman kasi hiningi sayo yun eh..

Paalis na sana ko nang biglang... hinawakan niya yung braso ko..
Sandali lang naman.. Hindi ka naman mabiro eh.. Dito ka lang, tingnan mo naman yung ginawa ko para sa'tin oh..
Aba! Parang nagpapacute pa 'tong isang 'to oh.. Paawa effect ng mga gwapo.. (Naiimagine niyo ba?!?)
Tapos, tinuro niya sakin yung nakaset na mga gamit na pangpicnic dun..
Anong para sa'tin?!?
Dito ka lang, kinausap ko na lahat ng teachers natin sa mga subjects after ng first break.. Don't worry, after ng lunch time, sabay pa tayong papanik papuntang classroom.
Bakit bigla atang naging mabait 'tong isang 'to?
Teka muna huh.. Bakit ka naman naghanda ng mga ganyan huh?!?
Eh.. Kasi...
Kasi?!?!
Bakit parang excited ako sa isasagot niya?!?
Kasi...
Kasi ano?!??
Gusto kita makasama ngayon..
Bakit mukang namumula na naman ako! WA~!!
Oy! OY! OY! Kung pinapairal mo lang yang pagiging chickboy mo at isa ako sa bibiktimahin mo, okay na sigurong pumanik na lang ako dun. Okay?
Teka lang naman. Hindi ko pinapairal ang "chickboy moves" ko noh.. 
Talaga lang huh?
Oo nga! Promise!!
Aba! Naninigaw? O_o
Sinisigawan mo ko?!?
Hindi noh! 
With matching pacute nanaman tong gwapong 'to..

Mukang sincere naman talga itong isang 'to.. Pagbigyan na nga..
Sige na. Payag na ko.. Pero, sa dalawang condition.
Ano?
Sa akin na lahat ng white roses na yan at hanggang lunch time lang talaga tay0 dito..
Aba't ang laki ng ngiti matapos magpaawa...

Dinala na niya ko dun kung san kami magpipicnic...
Wow huh! Siguro, sanay na 'to sa mga ganitong gawain kaya perfect na siya sa paggawa nito... Ang romantic eh... First date?!? NA-AH!! Bonding moment lang 'to... Atleast diba... Friend ko ang anak ng may-ari ng school namin?!? ASTIG!!
Tikman mo 'to, yan ang madalas lutuin ni mama tuwing umaga.. Yan daw kasi yung hinihingi kong pagkain paggising ko nung bata ako..
Ang mama mo ang nagluluto? Ang pagkakaalam ko, marami kayong katulong?!?
Kumain naman na ko nung binigay niya! oo! kain! hindi na tikim! Ang sarap eh! HAHA.
Oo nga, pero kapag magluluto na ng pagkain sa umaga, gusto ko si mama. Hindi masarap magluto yung mga katulong na yun.. puro walang kwenta..
Aba't laitin daw ba ang mga luto ng katulong nila?! Haha. Salbahe!
Ang sama mo naman.. Buti nga nagluluto sila eh.. Pero bakit may "daw"? Hindi mo na ba naaalala yung childhood life mo?!?
Naaalala ko pa yung iba.. Pero yung ibang hilig ko, hindi na... Madami na kong ibang hilig eh, alam mo na.
Tapos... Ngumiti siya!! Yung ngiting ngayon ko lang nakita!?!
Ahh!!
 Yun na lang ang nasabi ko! HAHA. Speechless?!? Hindi noh..

Ayun.. Medyo madami din kaming napagkwentuhan.. Alam niyo bang sa age na 16, 20 girls na ang naging girlfriend nito?? At, after 24hours, expired na ang kanilang relationship.. Parang load lang diba?!


*KKRRIINNNGG*


Saktong nagbell.. Katatayo lang namin dun sa matagal naming kinaupuan tapos pupunta muna daw kaming cafeteria para samahan sila Sharmaine.. Buti nalang at madali namin silang nakita...

SHARMAINE!

UY! BESTFRIEND! Halika oh! Upo kayo dito!
Lumapit naman ako..
Oh! Kaclose mo na siya?!
Bigla niyang bulong sakin..
Bakit?! Mabait naman siya.. Mahangin nga lang kung minsan..
Buti ka pa!! Ako, ilang beses na kong nadedma niyan! Ang suplado kahit sabihin mong chickboy! Palibhasa, naging mahangin dahil nga sa marami rin ang nahuhumaling sa kaniya..
Ganun ba?! Sige.. Sandali lang..
Lalapitan ko sana si Ken at sabihing sabayan sila sa pagkain dun kahit parehas naman kaming busog dahil sa daming laman nung basket kanina na dinala niya..


Peroo...


Nasa likod ko lang pala siya..
Grabe ka naman! Papatayin mo ba ko dahil sa gulat dito?!
Sabihan mo silang dun nalang kayo sa taas... H'wag dito. 
Bulong niya sakin.
Bakit ba?!
Hindi mo pa kabisado ang tingin at ugali ng mga babae dito.. Sa taas ko nalang ipapaliwanag..
Napansin ko ngang parang ang sama ng tingin ng mga babae ditto! Err. Ano bang problema nila sakin?
O-Oh! S-Sige! S-Sandali lang...
Sumunod nalang kayo dun.. Hihintayin namin kayo ni ferdz..
Okay lang ba silang sumamang lahat?!
Mabuti na yung sigurado no. Ayoko naman ng ako lang. Diko pa sila masyadong kilala. Nag-iingat lang ako.
SIge na.. Sige na.. Bilisan niyo..

Bigla ba naman akong iwanan dito?! Ibang klase talaga 'tong lalaking 'to oh.. Kinakausap mo, bigla nalang lalayas...
UY! Dun na lang daw tayo pumwesto sa taas..

Sinabi niya ba talaga yun?! 
Ang laki ng ngiti nitong Michelle na 'to huh.
OO nga! Halika na.. Hinila ko na sila para pumanik na. Di ko na rin matiis mga tingin nila sakin eh... Para nila akong kakainin ng buhay
Bakit ka naman nagmamadali?!
Sabi niya, bilisan daw natin.. Hindi ko nga alam pero ang sabi niyang dahilan is.. Hindi ko pa daw kabisado ang tingin at ugali ng mga babae dito.. Yun nalang ang sinabi ko, pero ang totoo napansin ko na din yun.
Ahh.. Kami ni Mich alam namin ang ibig niyang sabihin.. Di ba mich?!?
Oo! Sige na! Kayo na nga ang matagal na dito at newbie lang ako. Err. 
Kaya nga halika na at dun na tayo..
Habang papanik na kami nila Sharmaine and Michelle sa taas...

......

No comments:

Post a Comment