ASTIN.
Ba't ganun yung lalaking yun noh. Ang hangin! hangin! talaga!! Pero buti naman at nag-sorry din siya kahapon, mukang napilitan man, okay na din. Atleast diba.. Nagsorry siya.. Yun lang naman ang hinihingi ko sa lahat ng may kasalanan sakin. mabait kasi ako at hindi demanding. :D
Pagpasok ko ng room. Aba't bakit pinagkakaguluhan ung pwesto ko? Anong meron?
Excuse me.. Anong meron sa upuan ko?
Tin. Sino bang nakasama mo kahapon?
Bakit ganito tanong nito?
Si ano..
Gosh! Ba't di ko masabi..
Sino?
Si..
Bigla na lang niya kong hinila palabas ng room at dinala sa hindi masyadong mataong lugar.. Sa CR..
Sino ba?
Si Ken..
Grabe naman.. Buti na lang at hindi mo masabi-sabi yung name niya kanina, kung hindi.. May death threat ka na! Naku! Ano bang pinagsasasabi nito? Grabe ha! Kinakabahan ako!
Bakit? Wala naman kaming ginawang masama kahapon ah. At tsaka, di ba nakita niyo naman na siya lang naman ang humila sakin palabas ng room kahapon?
Oo nga... Ang alam kasi ng iba dito, umuwi na din si Ken kahapon dahil sumama daw ang pakiramdam kaya hindi ko naman alam na ikaw talaga ang kasama niya maghapon..
Teka nga muna! Ano bang connect nun sa pwesto kong pinagkakaguluhan? Nalalabuan na kasi ako sa best friend ko na to eh!
Kasi, may tatlong white roses dun tapos may nakalagay na note.. Alam kong favorite flower mo ang white roses at alam ko ring malalapit lang sayo ang sinasabihan mo nun.
Oo nga! Pero.. ano namang nakalagay sa note?
Aba malay ko po! Hindi ako tsimos para basahin yun noh, dahil hindi naman sakin binigay. Wow! Ang bait talaga nitong si Sharmaine oh! Di pa rin nagbabago. Teka! White roses? Sino naman ang magbibigay ng paborito kong bulaklak? Si... Si... KEN?!?
*flashback*
Magkwento ka naman ng tungkol sayo..
Ano namang ikkwento ko? Wala akong makukuwento eh
Hm. Ganito na nga lang. Since nasa garden tayo ng school namin ngayon, ano nalang ang gusto mo sa mga bulaklak?
White roses.
Bakit naman white roses?
White roses can mean many things to many different people... para sakin, they can symbolize new beginnings, or be a sign of farewell. They can convey feelings of love, friendship, respect and hope. Underlying all of these messages is the impression of innocence and purity with which white roses are now synonymous.
*end of flashback*
Oh! Bakit parang bigla kang napareflect dyan?
Aatakihin ako dito sa best friend ko na 'to eh..
Ah! Wala! Halika na. Balik na tayo sa room
Bakit naman niya ko bibigyan nun?
Pagkabalik namin ng room, tiningnan ko yung note na nakalagay...
Anong nakalagay?
Ito:
Hope na kilala mo kung sinong
nagbigay nito sayo..
Pumunta ka sa huling lugar na
nagkasama tayo.
I'll wait for you..
Hindi kaya siya nga yun?
Ito:
Hope na kilala mo kung sinong
nagbigay nito sayo..
Pumunta ka sa huling lugar na
nagkasama tayo.
I'll wait for you..
Hindi kaya siya nga yun?
No comments:
Post a Comment