Monday

Unexpected Love. : chapter 1



CHAPTER 1
Astin: Sus! Akala mo naman kung sino! Parang ewan lang huh! Kabadtrip!


ASTIN.

Veneranda Indiana Private School. Wow! Ayos sa pangalan ng school na ‘to huh. In short, V.I.P.S, akala mo kung sinong importanteng tao ang mga nagaaral dito!
Bakit ang lalim ata ng iniisip mo?

Parang ewan talaga ‘tong best friend ko, parang kabuteng bigla na lang sumusulpot.
Ah. Wala. Iniisip ko lang kung bakit ganun ang pangalan ng school na ‘to!
Ah! Nung first day ko dito ganyan din ako! Akala ko nga, isa kayo sa may-ari nito eh.
SHARMAINE!

Hala. Sino ba itong babaeng ito na papunta samin? At nag-usap sila na parang wala ako dito. Maistorbo nga ang dalawa!
EHEM! Magtatime na po!
Ay! Tin! Hindi mo na ba siya naaalala?

Hm. Sino nga ba siya? Bakit nga ba hindi ko siya kilala? Sino ba ito? Teka… Wala talaga eh..
Hindi na eh… Sorry…
Siya si Michelle. Naging kaclose mo lang kasi siya nung grade four.
AHH! Sorry huh. Medyo marami rin kasi akong taong nakasalamuha dun sa states kaya siguro hindi ko na masyadong naaalala.
Okay lang noh…

tapos ngumiti na lang siya. Oh di ba? mukang mabait ito huh. magkakasundo kami. HAHA.

*KKRRIIINNNGG*

Oh! Halika na! Nagtime na. Nagbell na kasi eh.
Hindi pa no! Hm. Kapag first bell, nireremind lang nila yung mga estudyante na magtatime na. Kapag nagsecond bell na, yun na yun!

Grabe naman dito. Ang daming pauso.
Naglalakad na kaming tatlo sa corridor, nang malapit na kami sa nasabing classroom namin may naunang pumasok saming mga lalaki.
“AAAHHHH!!!”Takte. 

Bakit ba sila biglang nagtilian?!
Pumasok na kasi sila Kenneth. Artista ba sila dito sa Pinas? Bakit sila pagkakaguluhan?
Huh? Sino ba yung mga yun?
Yung mga nauna sa atin. Nauna samin? Yung mukhang mayabang?



KENNETH.
*HOY POGI! BANGON NA OH! ANG GANDA NG SIKAT NG ARAW*
Ay p*cha! Ang ingay! Kinapa-kapa ko pa yung alarm clock ko na nasa table malapit sa kama ko. Ang aga pa! Grabe talaga! Bahala na nga!

Balik eskwela na naman. Ang bilis naman matapos nung bakasyon. Parang hindi ko man lang naenjoy. Epal kasi ‘tong si ferdz eh. Naging KJ simula nang nagseryoso sa syota nya!

Pagkatapos ko maligo at kumain. Umalis na agad ako. Pagdating sa school, syempre. Ang HOT na naman ng dating ko, may kotse na eh.

Hoy pare! Baka bumaha na ng laway dito sa school natin dahil sayo!
G@go talaga ‘tong bespren ko eh noh. Daming nalalaman.
ULOL! Dami mong alam. Halika na nga. Malelate na tayo.
At kailan ka pa naging concern kung malelate na tayo o hindi pa?!?
Ngayon lang. At hindi na ‘to mauulit. HAHAHA.

Easy’easy lang talaga ako eh noh. Paki ba nila eh ako naman ang susunod na magmamay-ari nito.

Habang naglalakad kami sa corridor, as usual, parang zipper na nagbubukas yung situation kasi nagtatabihan lahat ng tao na nasa corridor… pagpasok namin ng room namin.
“AAAHHHH!!!”
Ayan na naman sila. Pinarinig na naman ang nakakabinging tilian nila. Hugutin ko mga ngala'ngala ng mga 'to eh pero namiss ko ‘to kahit na parati akong nasa bar para maghanap ng bagong girlfriend for the day! Tapos, may biglang pumasok na hindi masyadong pamilyar ang mukha, pero yung dalawa niyang kasama oo.

Sino siya?

HOY! KEN!
AY!! DEMONYONG NAKAWALA SA IMPYERNO!

Abnormal talaga ‘tong ‘sang ‘to oh! Kung may sakit lang ako sa puso, baka matagal na akong patay dahil dito!
Ang gwapo ko naman para maging isang demonyo! Ang kapaaaal talaga neto. Well, totoo nga naman. EW. Para akong bakla sa huli kong sinabi.
ULOL! Bakit ka ba kasi nanggugulat diyan huh?!?
Eh! Kanina ka pa nakatulala dun sa bagong dating na yun eh! Siya na ba bago mong girlfriend for the day? Aba! AYOS DIN TALAGA TONG BEST FRIEND KO EH!
Tanga! Bobo! Kung girlfriend for the day ko yan, baka siya pa ang lumapit dito at tsaka hindi ako matutulala diyan dahil kilala ko siya!
Ang sakit mo namang magsalita! Diyan ka na nga! Ang landi ng reaction! Tss.
Eh! Para ka kasing ano eh.
Ano?
Wala! Sabi ko best friend kita kaya h’wag ka nang magtampo diyan!
Matitiis ba kita?!? See? Feeling ko, bading 'to eh!
Siyempre, alam kong hindi! HAHAHAHAHA.


ASTIN.
Good morning class! I’m Miss Sanchez
Goooddd mmooorrrnniinngg Miiisss SSaaannccchheeezz!! (ibig sabihin.. naggreet ang buong klase!)
So now, each one of you will introduce his/herself. We will start with you.
Aba! Bakit ako ata ang napagtripan nitong teacher namin. Center of attention tuloy ako dito! Haist.
Good morning everyone, I’m Astin Andrea Indiana but you can call me tin for short.
Tapos, umupo na ko.

Are you done Ms. Indiana?
Yes ma’am! Aba! Ano pa bang gustong malaman nito sakin? Kung kailan ang birthday ko? Kung anong status ko? Kung may boyfriend na ba ako o wala?

Okay. Next please?!
Hanggang sa natapos na yung introduction naming tatlo. Tas dun sa may kabilang dulo, may tumayo na kung tingnan ng ibang classmate ko na babae eh parang naglalaway na sila.
Kilala niyo naman na ako di ba? No need to introduce!
Pero Kenneth, kailangan mo iintroduce ang sarili mo para makilala ka ng mga bagong classmates mo. Lalo na si Ms. Indiana dahil kakatransfer lang niya dito ngayong year.
Ganun po ba? Kung ganun po, kay Ms. Indiana na lang siguro ang hindi pa nakakakilala sakin. Eh di, sa kanya na lang po ako magpapakilala.
Aba! Mukang lalapit ata sakin ang mokong na ‘to!
Hello! Ako si Kenneth Rey Veneranda, but you can call me Ken if you want. Sabay lahad ng kamay.
Nakipagshake-hands naman ako. Oh di ba!? Pakabait kunwari. HAHA. Tapos, bumalik na din siya sa upuan niya.
Natapos ang pagpapakilala, nagexplain naman yung teacher namin or pwede na ding adviser na kasi siya nga yung adviser namin ng mga home rules niya. haha.

1. Bawal ang malate.
2. No foot rugs, no entry.
blah blah blah.

*KKRRIIINNGG*


Ayun! At nagbell na din. Lunch break na! Oh di ba! Ambilis! HAHA. Si Ms, Author kasi ayaw ng magshare tungkol sa mga pangyayari during class hours! :)
Tin! Dun na lang tayo umupo malapit kila Marvin!
Oh! Sige! Kayong bahala! Nandito nga pala kami sa cafeteria. Ang laki din nito huh. Pero, bakit may taas pa pero wala namang kumakain dun.
Ah! Maine, dun na lang tayo sa taas oh. Mukang walang masyadong tao.
Hindi tayo pwede dun!
Bakit?
Eh. Si Ken at yung mga malalapit lang ang pwedeng pumanik dun. Pinagawa yun para sa kanila lang talaga.
Ganun ba? Sige dun na lang tayo sa sinasabi mong pwesto.

Habang papunta kami dun…



*BBBOOOGGGSSSHHH*

May bigla na lang nakabunggo sakin. Muntik pang tumilapon yung tray ng pagkain ko. Pero. Aba! Hindi man lang nabigkas ang salitang “sorry”
NAUSO NAMAN ANG SALITANG SORRY DI BA?!? HAIST!!!
Ano ka ba?! Hayaan mo na!
Sino ba yun?
Si Ken at Ferdz. Naguunahan ata papunta sa taas, si Ken yung nakabunggo sayo.
Sus! Akala mo naman kung sino! Parang ewan lang huh! Kabadtrip!


KENNETH.
So now, each one of you will introduce his/herself. We will start with you.

Tapos, tinuro niya yung babaeng hindi pamilyar ang mukha.
Good morning everyone, I’m Astin Andrea Indiana but you can call me tin for short. Aah! Astin pala ang name niya.
Are you done Ms. Indiana?
Yes ma’am!
Okay. Next please?!
Sus. Ang tagal pa nito! Hanggang sa hindi ko namalayang ako na pala!
Good Morning! Kilala niyo naman na ako di ba? No need to introduce!
Pero Kenneth, kailangan mo iintroduce ang sarili mo para makilala ka ng mga bagong classmates mo. Lalo na si Ms. Indiana dahil kakatransfer lang niya dito ngayong year.
Ganun po ba? Kung ganun po, kay Ms. Indiana na lang siguro ang hindi pa nakakakilala sakin. Eh di, sa kanya na lang po ako magpapakilala.
At oo, lalapit talaga ako sa kaniya. Ayoko na magpakilala. Paulit-ulit lang naman ang sinasabi kada first day.
Hello! Ako si Kenneth Rey Veneranda, but you can call me Ken if you want. Sabay lahad ko ng kamay.
Nakipagshake-hands naman siya.

Natapos ang pagpapakilala, nagexplain naman yung teacher namin or pwede na ding adviser na kasi siya nga yung adviser namin ng mga home rules niya at TITA ko nga pala siya kaya ayos lang kahit asarin ko siya.

1. Bawal ang malate.
2. No foot rugs, no entry.

Tas, ang dami-dami pang sinasabi, sana magbell na.


*KKRRIIINNGG*

Ay nako! Buti na lang. Wish granted! Pati itong mga bell na ‘to, ako na ang sinusunod! HAHAHAHAHA

Lumapit ako kay ferdz para hamunin ulit ng racing papunta dun sa pwesto namin sa cafeteria na lagi naming ginagawa tuwing break time.

OY! Racing ulit! Katulad ng dati.
Sige! Hindi ko naman makakasabay si Hun kapag break dahil may gagawin sila ngayon.
Sus! Dami pang dakdak. Halika na!
Tumakbo na ko, para unahan siya.

Kaya mula sa room namin hanggang sa cafeteria naguunahan kami. Pero! Sino ba ‘tong mukang haharang pa sa dadaanan ko! kailangan ko munang bagalan baka mabunggo ko pa.

Mukang mauunahan kita ngayon! HAHAHA.
Aba! Hindi pwede! Kaya kumaripas na ko ng takbo.



*BBBOOOGGGSSSHHH*


Pero hindi na ko nakapagsorry dahil kailangan kong mauna dun dahil ayokong manlibre ng panglunch!

NAUSO NAMAN ANG SALITANG SORRY DI BA?!? HAIST!!!

Aba! Sino ka ba para sigawan ako?!? Patalsikin pa kita dito eh! Inawat naman siya ng mga kaibigan niya pero hindi ko na narinig ang mga sinabi dahil medyo malayo na ko.
___________________________________________________________________________________________________

At last. Nakarating na din kami dito sa pwesto naming. Kung sinong nauna? Syempre. Ang nagiisang gwapo! AKO!!! HAHAHAHA.

Lagot ka pre!
Bakit? Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya
Hindi ka nagsorry dun sa nabunggo mo! Sinabi niya habang nakatingin dun sa may baba.
ABA! Sino ba yun?!
Kung hindi ako nagkakamali, yun yung tinitigan mo mula pagpasok sa room natin hanggang sa pagkakaupo niya.
Sino nga?!
Yung Astin ata yun, yung sinabi ni ma’am na Ms. Indiana.


1 comment:

  1. nice one... peo sa totoo lng bilang viewer palitan u ung ibang color ng font se ang sakit sa mata ok para lalo kaming masiyahan yan nag comment na aq huh...

    ReplyDelete